PopCom: Gender equality gaps sa PH, kailangan matugunan

Binigyang diin ng Commission on Population (PopCom) na kailangang palitan ang mga batas at practices na naglilimita sa karapatan ng mga kababaihan.

Ayon kay PopCom Executive Director Juan Perez, ito ay mahalaga para sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan na gumawa ng kanilang sariling desisyon pagdating sa pakikipagtalik at reproductive health.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa ngayon, nakikipagtulungan ang PopCom sa United Nations Population Fund para ma-promote ang kakayahan at kalayaan ng mga kababaihan na makapagdesisyon kaugnay sa mga bagay na makakaapekto sa kanilang katawan.

Kabilang umano sa mga desisyong ito ay nakapalibot sa healthcare, sex, at contraception.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Sa bagong pag-aaral ng “My Body Is My Own” nakasaad na 88% ng Filipino women na may edad 15-49 taong gulang ang may kapangyarihan na tumanggi na makipagtalik habang 94% ang may kapangyarihan na magdesisyon kaugnay sa contraception. // MHEL PACIA