Pondo para sa SRA ng mga health workers, wala sa 2022 national budget

Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi umano kabilang sa 2022 national budget ang pondo para sa special risk allowance (SRA) ng mga  health workers.

Ito ay sa gitna ng protesta ng mga health workers na ibigay na ang kanilang naantalang mga benepisyo at hazard pay bilang frontliners laban sa nakamamatay na sakit.

Sagot ni Health Secretary Francisco Duque sa katanungan ni Marikina 2nd district Representative Stella Quimbo, ang budget para sa SRA ay kasama sa ilalim ng inihahaing Bayanihan 3 bill na aniya’y aprubado na ng Kongreso pero nakabinbin pa rin sa Senado.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Punto ni Quimbo, nangangahulugan ito na walang kasiguraduhan kung makakatanggap pa ba ng kanilang SRA ang mga health workers sa susunod na taon dahil wala rin umanong kasiguraduhan kung magiging ganap na batas ang Bayanihan 3 bill.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Binanggit rin niya sa isang interbyu na walang naka-allocate na halaga sa ilalim ng Bayanihan 3, na talagang nangangahulugan na nakadepende umano ang bayad para SRA sa General Appropriations Act.

Samantala, hinihimok ng House minority ang Senado na pabilisin ang pagpapatibay ng Bayanihan 3 na siyang naglalaman ng mga probisyon ng allowance at benepisyo ng ating mga medical frontliners.