Leachon, may ambisyong maging kalihim ng DOH- Galvez

Iginiit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na may ambisyon umano  si  Dr. Tony Leachon makuha ang pinakamataas na posisyon sa Department of Health (DOH).

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos batikusin ni Leachon ang COVID-19 vaccine procurement at hinimok si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na si DOH Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil sa “failure of leadership” sa gitna ng pandemya. 

Sa Senate inquiry noong nakaraang llinggo, sinabi ni Leachon na limang COVID-19 vaccine lamang sa bansa ang epektibo laban sa mas nakakahawang Delta variant at di sinama rito ang Sinovac na syang mayorya ng bakuna na binili ng gobyerno.

Bilang tugon, sinabi ni Galvez na di naman vaccine expert si Leachon at ang mga ginagamit nitong salita ay pumo-posturang naghahangad ng posisyon. 

Binigyang diin ni Galvez pati na ni presidential spokesperson Harry Roque na lahat ng bakuna sa bansa ay epektibo batay sa real world data. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *