House panels, OK sa substitute bill para free legal aid sa mga pulis, sundalo

Aprubado na ng tatlong House committees ang panukalang layong mabigyan ng libreng legal assistance ang mga pulis at mga sundalo.

Kabilang sa panels na nag-apruba sa panukala ay ang House committees on justice, national defence at security and public order and safety.

Noong nakaraang State of the Nation Address (SONA), nanawagan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpasa ng batas na makapagbibigay ng libreng legal assistance sa mga pulis at sundalo upang makatulong sa mga ito na harapin ang mga kasong may kinalaman sa kanilang performance sa kanilang official duty.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ayon naman kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, mayroon na umanong mekanismo ang gobyerno para rito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kaugnay nito, sinabi naman ni House Minority Leader Stephen Paduano na asahan ang mahabang debate sa panukalang ito, at dapat ang free legal assistance ay dapat lamang umano sa mga mabubuting pulis at sundalo.

Binalaan rin Paduano na maaaring magdulot ito ng tsansa na hindi maparusahan ang mga masasamang pulis.