SORSOGON CITY – Dead on the spot ang 44-anyos na laborer matapos na pagtatagain ito ng kaniyang live-in partner sa Sitio Agoho, Brgy Boca Engaήo, Claveria, Masbate.
Kinilala ang biktima na si Elmer Sino habang ang suspek ay nakilalang si Melinda, 48-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng Pulisya, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa Brgy Chairman ng nasabing lugar hinggil sa isang kaso ng pananaga.
Narekober ng rumespondeng mga pulis ang 53 pulgadang itak na ginamit sa krimen.
Lumabas sa imbestigasyon na ang biktima ay tulog nang pagtatagain ng suspek.
Pagseselos umano ang motibo ng suspek, kung saan nakaramdam ito ng pagkabalisa sa pag-iisip sa paghihinalang may karelasyon ang kanyang kalive-in partner sa ibang babae.
Dinala ang mga labi ng biktima sa Municiapl Health Office para sa post-mortem examination habang ang suspek ay kinustudiya ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.
