Poll Watchdog, umapela sa COMELEC na imbestigahan ang mga aberya sa overseas voting

Nanawagan ang isang poll watchdog sa Commission on Elections na imbestigahan at suriing mabuti ang mga aberyang kinaharap ng overseas voting.

Sa isang panayam, umapela si Kontra Daya convenor Danilo Arao sa Comelec na alamin kung sino ang mayroong pananagutan at pagkukulang sa mga isyu ng overseas voting at delay sa logistics nito.

Sa ulat ng kanilang mga chapter sa US, Canada at Europa, napag-alamang may problema sa mga vote counting machines o VCMs, pati na rin ang unang napaulat na isyu ng mga pre-shading o spoiled ballots.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Wika ni Arao, sana raw ay imbestigahan na ito ng Comelec, maisapubliko ang resulta, nang sa gayon ay wala nang aberya sa mga susunod pang halalan.

Samantala, umapela rin ito sa ating mga kababayan na ‘wag nang magpa-last minute pa sa pagboto.

Aniya, habang maaga pa ay sulitin na ng mga oversease Filipinos ang panahon para makaboto nang sa gayon ay hindi na ito maipit pa sa deadline at huling araw ng overseas voting.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Pinaalalahanan din ni Arao ang mga botante na i-check ang kanilang voting status, gayundin ang pagsisiguro na may pondo ang stamps ng mga mail-in ballots.

Kapag ‘insufficient funds’ daw kasi ang mga stamp ng mga botanteng nag-mail ng kanilang mga boto, hindi na ito ipadadala pa sa embassy at ibabalik lamang sa pinanggalingan.
#