Consul sa China, umapela sa Chinese gov’t ng bigyan ng malinis na quarantine facility ang mga kababayang COVID positive

Nanawagan ang Consul General sa Shanghai sa Chinese Government na sana raw ay mabigyan naman ng maayos na quarantine facility ang ating mga kababayang nagpositibo sa COVID-19.

Sa isa kasing blog, nanawagan ang isang Pilipinang sumailalim sa quarantine sa Shanghai na ilipat sila ng isolation facility.

Inilarawan ng 23-year old Pinay ang ang umano’y dugyot na kalagayan ng pasilidad.

(kuha ng Pinay na kinapanayam ng ThatsMags.com)
Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Hindi raw malinis ang pasilidad, walang maayos na sahig, at wala ring gumagamang drainage. Sa katunayan, ikinababahala pa nito ang mga safety hazards sa kanilang pasilidad kabilang na ang faulty wiring, kwestyonableng source ng tubig, at posibleng pagkakaroon ng iba pang mga sakit dahil sa ‘poor living conditions’.

Dahil dito, pormal nang sumulat at nagpadala ng note verbale si Consul General Josel Ignacio sa Chinese Foreign Ministry.

Sa huling datos, mayroon nang 14 mga Pilipino sa Shanghai ang nagpositibo sa COVID-19.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Nakapaloob dito ang panawagang mabigyan ng pasilidad ang ating mga kababayan na tumatalima sa international standards sa hygiene sanitation at tubig.

Samantala, muli namang umapela si Ignacio sa ating mga kababayan sa Shanghai na naipit ng lockdown ng konting pagunawa.

Sa ngayon kasi ay hirap pa rin sila sa pagbibigay ng ayuda sa nasa 4,000 mga Pilipino sa Shanghai.
#