PIO: Tawas lang ang nakita sa selda ng isang PDL sa PJMD, hindi shabu

Isang tawas at hindi ilegal na droga ang nakuha sa selda ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) sa Annex Building ng Provincial Jail.

Base ito sa laboratory test result na nagmula sa Palawan Crime Laboratory Office.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Ang isang PDL na nasa selda kung saan nakuha ang tawas ay nag-negatibo din sa paggamit ng ilegal na drogra kaya walang prebilihiyo ang maiaalis sa kanya.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, nagpapatunay lang ito na ‘drug free’ ang compound ng Palawan Provincial Jail.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Matatandaan na nagkaroon ng “Oplan Galugad sa mga selda ng PJMD ang Joint Team ng law enforcement unit kung saan nakuha nila sa mga selda ang sari-saring kontrabando at 9.2 white substance na noo’y pinaghinalaang ilegal na droga.