Political analyst sa Albay, hindi pabor sa agarang pagpasa ng Maharlika Investment Fund; Pilipinas, hindi pa umano hand

LEGAZPI CITY – Naglabas ng pahayag ang isang political analyst mula sa lalawigan ng Albay tungkol sa usapin ng Maharlika Investment Fund na kung saan ang mismong presidente ng bansa ay cinertify itong “urgent.”

Hindi pa handa ang Pilipinas para sa Maharlika Investment Fund, ito ang ipinahayag ni Dr. Ceasar Arao, Bicol University Political Science Department Head, sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Arao, maganda ang layunin ng nasabing panukala sapagkat paraan ito upang makaakit o magkaroon ng maraming foreign investors ang bansa at paraan umano ito upang makaambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang tanong lamang umano rito ay kung saan kukuha ng pondo.

Aniya, lubos na napakaganda ng Maharlika Investment Fund kung ang gobyerno ay nakahanda at mayroon nang makukuhanan ng capital upang iinvest at ipapautang sa ibang mga bansang nangangailangan.

Sinabi ni Arao, hindi niya pa nakikitang handa ang gobyerno ng Pilipinas dahil hindi pa naman nasasagot ang tanoong kung mayroon nang capital.

Magiging animo’y ‘trial and error’ lamang ito sa bansa kung ipapatupad ito sapagkat hindi malinaw kung saan kukunin ang pondo.

Kaugnay naman ng pagpupull-out ng budget mula sa mga government banks, sinabi ni Arao na kahit pa tinatawag silang government banks, mayroon paring mga private individuals na nag-iinvest sa mga ito kaya’t hindi naman masasabing pera iyon ng gobyerno kundi pera umano iyon ng mga depositors.

Malaki umano itong alarma sa mga depositors kung talagang ipipilit ng gobyerno na kumuha ng capital sa mga bangkong iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *