Police at mga estudyante nagkasagupa sa Iran

Nagkasagupa ang Iranian police at mga estudyante ng kilalang unibersidad sa Tehran na dahilan para ma-trapped ang ibang estudyanteng hindi sangkot.

Lumutang ang mga video na nagkaroon ng habulan at may mga putok ng baril na umalingawngaw sa lugar.

Ayon sa report, nagsunog habang nagpoprotesta ang mga estudyante ng Sharif University bilang pakikiisa sa mga protesta kasunod ng pagkamatay ng isang babaeng nakulong.

Napag-alamang na-comatose ang biktimang si Mahsa Amini ilang oras lang matapos siyang arestuhin ng morality police nang dahila sa alegasyong paglabag sa kanyang headscarf rules.

Nanindigan ang mga pulis na walang maltreatment kay Amini at sa halip ay namatay ito dahil sa “sudden heart failure.

Dahil sa nangyari, nagsimula ang mga serye ng protesta sa kanyang “funeral” sa iba’t ibang bahagio ng Iran na naging pinakamalalang “unrest” sa naturang bansa sa nakalipas na ilang taon