POGO hub sa Bataan – sinalakay ng PAOCC

Sanib-pwersang sinalakay ng PAOCC at CIDG ang umano’y ilegal na POGO Hub dito sa Bataan.

Nasa 900 ang empleyado ng naturang POGO Hub kung saan 600 ang Pilipino at 300 ang mga dayuhan na kinabibilangan ng mga Malaysian, Indonesian, Chinese, at Thai.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon sa PAOCC, apat na Malaysian, dalawang Thai, at sampung Chinese ang namumuno sa naturang scam hub.

Nag-ugat ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Malolos RTC matapos makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na force labor o sapilitang pagtatrabaho.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

May mga complaints sa daw sa ‘di umano’y qualified trafficking at umano’y forced labor na nagaganap sa loob nito.

Wala ring permit mula sa PAGCOR ang naturang scam hub at ipinapalabas na BPO.