Idineklara ng palasyo na non-special working holiday ang November 12 sa Lungsod ng Valenzuela.
Ito ay para magbigay-daan sa ika-401 founding anniversary ng Lungsod.
Matatandaang unang kinonsidera ang Valenzuela bilang ‘pulo’ o ‘Polo’ noong panahon ng Kastila.
November 12, 1623 nang ipag-utos ng Espanya ang paghihiwalay ng sitio Polo at pagtatatag ng hiwalay na area.
September 11, 1963 nang lagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang pag-annex sa Polo bilang Valenzuela; habang 1998 naman ito idineklarang isang highly-urbanized city.
Kaugnay nito – nakalinya naman ang iba’t ibang aktibidad para sa celebration sa Lungsod.