Batangas City – Inaprubahan na sa Sangguniang Panglungsod ang resolusyong nagbabawal sa aplikasyon at operasyon ng Philippine Offshore Gaming Corporation o POGO sa Batangas City.
Isinagawa ang pag-apruba kahapon, kasabay ng regular na sesyon ng sanggunian.
Ayon sa resolusyon, bagamat magbubukas ng trabaho sa mga Filipino ang pagkakaroon ng POGO, dito naman umano nag-uugat ang mga krimen kagaya na lamang ng human trafficking, kidnapping, robbery-extortion, money laundering, espionage at iba pa.
Matatandaan na naging maingay ang usaping POGO operation sa Senado, kung saan nasasangkot ang ilang mga opisyal ng gobyerno.
Samantala, ang resolusyong ito ay akda ni Konsehal Nestor Dimacuha at ayon sa kaniya walang puwang ang mga ganitong klase ng gawain sa lungsod.