Batangas City – Tagumpay na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang cash assistance sa mahigit isang libong benepisyaryo sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Bukod dito, nasa mahigit apatnaraang benepisyaryo ng fuel subsidy ang napagkalooban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Ang mga naturang benepisyaryo ay ang mga residenteng naapektuhan noon ng oil spill, African swine fever at ang katatapos lamang na El Niño.
Nakatanggap ng tig dadalawang libong piso ang mga benepisyaryo ng cash assistance habang tatlong libong piso naman para sa fuel subsidy.
Sa huli, masayang ibinalita ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro na sinusubukan nilang dagdagan ang pondo para sa mga naturang ayuda sa susunod na taon.