Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos ng suporta mula sa mga Pilipino para sa pagpapalakas pa ng bilateral relationship sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasabay ng paggunita ng ika-48 anibersaryo ng Philippine-China diplomatic relations; at ang 22nd Filipino-Chinese Friendship Day.
Sa mensahe ng pangulo, idiniin niyang nilalayon ng kasalukuyang administrasyon na patatagin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Palalakasin din ang bilateral cooperation sa pagitan ng iba’t ibang larangan kabilang na ang turismo, agrikultura, trade and investment, at infrastructure.
Sabi ni Marcos, ‘invaluable’ ang mas matibay na pagkakaibigan, suprota, at kooperasyon ng Pilipinas at ng China. //LGD, edited MHEL PACIA