PNP – wala pang naitatalang kaso ng child explotation gamit ang AI

Wala pang naitatalang kaso hinggil sa child exploitation gamit ang Artificial Intelligence ang PNP Women and Children Protection Center.

Ayon kay PNP-WCPC Chief PBGEN. Portia Manalad, kahit wala pa silang naitatalang kaso, pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang international agencies.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Nauna nang sinabi ng Council for the Welfare of Children na binabantayan nila ngayon ang paggamit ng AI sa child exploitation.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Bagamat wala pang nairereport na ganitong kaso sa Pilipinas, kalat na raw ang naturang modus sa ibang bansa.