PNP-Virac sa Catanduanes hinikayat ang mga motorista na mag file ng blotter sakaling mabiktima ng napapabalitang nakawan ng helmet at mga gamit sa compartment ng motorsiklo

Virac, Catanduanes—Inabisuhan ni Virac, Catanduanes Municipal Police Station Chief PMaj. Antonio Perez ang mga motorista sa nasabing bayan na agad ipagbigay alam sakanilang himpilan ang anumang insidente ng nakawan sakanilang mga sasakyan.

Ito ay kasunod ng sunod-sunod na reklamo at mga napapabalitang insidente ng nakawan ng mga gamit na nakalagay sa compartment ng mga motorsiklo at pagkawala ng mga helmet ng ilang mga motorista habang nasa parking area.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ayon sa opisyal, hindi nakatanggap ng anumang report ang PNP Virac hinggil sa mga katulad na insidente at nakarating lamang ito sakanilang kaalaman dahil sa mga social media posts ng mga umano’y nabiktima ng pagnanakaw.

Wala umanong dumulog sakanilang himpilan para magpa blotter hinggil dito kaya’t ipinapayo nito sa mga makakaranas ng kaparehong insidente na agad mag file ng blotter at opisyal na report sa himpilan ng pulisya.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, pagdating naman aniya sa isyu ng pagkawala ng helmet sa mga pribadong parking area, responsibilidad na umano ito ng security management ng partikular na establisyemento ngunit dapat pa ring ma i-report sakanila upang ma check ang mga CCTV cameras kung sakaling mayroon man at upang magkaroon ng basehan ang kanilang isasagawang aksyon.###