Napili bilang 2nd overall pick sa 2021 NBA draft ang Filipino American na si Jalen Green.
Maglalaro si Green para sa Houston Rockets.
Bago pa man ang draft night ay inaasahan na si Green na makakasama sa Top 5 sa draft pick dahil sa scoring prowess.
Kasalukuyang naglalaro ang 19-anyos na shooting guard sa G League Ignite kung saan mayroon itong averaged na 17.9 points sa kanyang 46% shooting sa 15 games.
Nabati na ang ina ni Green ay isang Filipina mula sa Ilocos Sur.
Samantala hinirang naman bilang no. 1 overall pick ngayong taon si Cade Cunningham na maglalaro para sa Detroit Piston.
