PNP, tiniyak ang patuloy na agresibong kampanya laban sa operasyon ng e-sabong sa bansa

Patuloy na tinitiyak ng Philippine National Police ang kanilang agresibong kampanya laban sa operasyon ng e-sabong sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na ang pagiging agresibo sa kampanya laban sa online sabong ay alinsunod sa atas ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Nagbabala na rin si Acorda sa lahat ng commanders na sila ang mananagot kung sakaling maging talamak ang online sabong sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Katumbas aniya ng kapabayaan kapag namayagpag ang iligal na sugal sa kanilang area of responsibility.