PUV operators at drivers, hindi muna sisingilin ng bagong CAVITEX rate sa loob ng 3 buwan

Hindi muna sisingilin ng bagong toll rate sa Manila-Cavite Express (CAVITEX) ang mga PUV operator at driver sa loob ng tatlong buwan.

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation, paraan nila ito upang makatulong sa mga pampasaherong sasakyan katulad ng jeep, UV express at mga bus.

Dagdag pa nito, alam nila kung gaaano kabigat sa bulsa ang taas-presyo sa mga toll fee pagdating sa Class1 at Class 2 kaya pansamantala muna nilang ipagpapaliban ang pagbayad ng toll sa mga PUV drivers.

Sa huli, umaasa ang ahensya na kahit papaano mababawasan ang problema ng mga motorista lalo na’t sabay-sabay na tumataas ang presyo ng petrolyo at mga bigas.