PNP, sisimulan na ang imbestigasyon hinggil sa mga LGU’s na sangkot sa umano’y bentahan ng iligal na droga sa bansa

Sinisimulan na ng Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa mga LGU’s na umano’y sangkot sa mga bentahan ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon naman kay PNP Drug Enforcement Group director Brig. Gen. Eleazar Matta na talamak ang ganitong gawain lalo na ngayong malapit na ang eleksyon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Aniya pa, marami ang kanilang natatanggap na report na karaniwan ang ginagamit na pondo para sa eleksyon ay mula sa ilegal na droga.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samantala, binigyang diin naman ni Matta na ngayon ay mayroon na silang hawak na impormasyon hinggil sa mga grupong sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.