Nanindigan ang Philippine National Police na ipinatupad lamang nila ang batas trapiko kaugnay ng alegasyong pagharang ng ilang grupo na lalahok sa aktibidad sa Edsa People Power Anniversary kahapon.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., hindi intensyon ng pulisya na i-supressed o hadlangan ang pagdalo ng mga ito sa mga pampublikong okasyon.
Kasunod nito, Iniulat din ng PNP Chief na naging mapayapa ang mga isinagawa at namonitor nilang mga kilos protesta sa Metro Manila maging ang isinagawang prayer rally sa Cebu City.
Una nang nag-deploy ng mahigit 6 na libong pulis ang PNP para bantayan ang mga aktibidad sa Maynila at mahigit 2 libo naman sa Cebu.