Halaga ng pinsala ng El Niño sa agriculture sector, halos P360M na

Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture ng mga agricultural inputs sa mga sakahan sa Western Visayas, Ilocos Region, at Zamboanga Peninsula upang matulungan ang mga magsasaka na makabangon mula sa pinsala at pagkalugi dahil sa dry spell na dulot ng El Niño.

Ito ay matapos pumalo sa 375.4 milyon ang halaga ng pinsala sa agricultural sector.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Ayon sa DA, kasama sa ipapaabot nitong tulong ang mga binhi at planting materials para sa high-value crops na mas tipid sa tubig.

Nagsimula na rin ang cloud seeding operations ng DA katuwang ang DOST-PAGASA, at DND-PAF upang maibsan ang kakulangan sa tubig sa Region II.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Batay sa pinakahuling El Niño bulletin ng ahensya, umakyat na sa mahigit pitong libo at anim na raang mga magsasaka ang naapektuhan ng kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng ahensya na tuloy tuloy ang kanilang pagsisikap upang matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño.