PNP, pinaghahandaan na ang security measures para sa panunumbalik ng F2F classes

Nakatakdang makipag-ugnayn ang Philippine National Police sa iba’t ibang mga concerned agencies para paghandaan ang full resumption ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao, ito ay bahagi ng kanilang pina-planstang security plan para matiyak na ligtas at mapayapa ang panunumbalik ng mga learners sa paaralan.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Ani Danao, inaasahan na kasing daragsa na ang mga tao sa mga places of convergence, pati na rin sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa oras na magbukas na ang klase.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Dahil dito, kinakailangan umanong masiguro na walang mga maitatalang untoward incidents, at ligtas ang mga learners.

Sinabi pa ng hepe na inaaral din ang mga paraan para masigurong nasusunod pa rin ang mga minimum public health standards dahil hindi pa rin tapos ang banta ng COVID-19.
#