Mga Pinoy sa New York, inabisuhang mag-ingat sa gitna ng pagtaas ng mga ‘major crimes’

Naglabas ng abiso ang Philippine Consulate General in New York City sa mga Pilipino na mag-ingat at manatiling vigilant.

Ito ay sa gitna ng pagtaas dito ng mga major crimes ng hanggang sa 37%.

Sa ulat, kabilang umano sa mga naitalang krimen ng NYPD ay ‘yung may mga kinalaman sa hate crimes kung saan karamihan sa mga nabibiktima ay mga Asian.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Maliban dito, mayroon ding iba pang mga naitalang krimen kagaya ng pagnanakaw at iba pa.

Sa advisory ng Consul General, pinaalalahanan ang ating mga Kababayan na palaging maging alisto sa paligid lalo na kapag nasa labas ng kanilang mga tahanan.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Matatandaanag simula noong 2021, aabot na sa higit kuwarenta ang mga naitalang krimen laban sa mga Pilipino sa New York.

Ang pinakabago rito ay ang pag-atake sa isang disi-otso anyos na turista mula sa Cebu.
#