PNP personnel na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 29,948

Naiulat ng Philippine National Police na nadagdagan ng 173 ang bilang ng mga tauhan nito na tinamaan ng COVID-19 na dahilan para tumaas ang kabuoang bilang nito sa 29,948.

Sinabi ng PNP na umangat rin ang recoveries sa 28,743 matapos ang paggaling ng 120 na karagdagang pasyente.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nanatiling nasa 80 naman ang death toll ng PNP.

Sa ngayon ay meron pang 1,125 na aktibong COVID-19 cases mula sa hanay ng pambansang pulisya.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Mababatid na pumalo na sa mahigit 1.56-million ang bilang ng mga naitalang COVID-19 cases sa buong bansa, mula nang magsimula ang pandemya.

Kabilang na sa nasabing bilang ang mahigit 1.47-million na recoveries at 27,318 na death toll.