Inadopt ng Seando ang dalawang resolusyon na naglalayon na bumuo ng commemorative stamp at magpatayo ng public marker na nagbibigay pagkilala sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.
Isinulong ni Senator Richard Gordon ang approval ng dalawang resolusyon matapos i-adopt ng Senado ang 12 resolusyon na nagbibigay-pugay at pumupuri sa Olympian na si Hidilyn Diaz, na nankasungkit ng gold medal sa weightlifting event ng Tokyo Olympics.
Ayon kay Gordon, nakausap na niya ang mga kawani ng National Historical Commission of the Philippines, at nalaman niya na meron na itong inihahanda na commemorative stamp.

Ipinunto niya na kailangan ng Senado na gawing opisyal ang special stamp sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Bukod rito ay ipinanukala ni Gordon ang isang Senate resolusyon na humihiling sa NHCP na magtayo ng memorial para sa komemorasyon ng unang gintong medalya ng Pilipinas, mula sa Tokyo Olympics.
Inisyal na ginusto ng Senador na magtayo ng monumento para kay Diaz.
Gayunman, nalaman ni Gordon na labag sa patakaran ng NHCP ang pagpapatayo ng monumento ng kahit sinong buhay na tao sa kahit saang pampublikong lugar.