PNP personnel na nabaril sa Naga City kahapon, nasa icu pa; delivery rider, brain dead na

NAGA CITY – Nasa Intensive Care Unit o ICU pa ang PNP Personnel na nabaril kahapon, Hulyo 6, 2023 sa
nangyaring Shootout sa Brgy. San Felipe, Naga City.

Ito ang napag-alaman ng BNFM Naga kay Naga City Police Office Spokesperson PSMS Tobias Bongon.

Ayon sa opisyal, kinumpirma sa kanila ng mga kapamilya ni PatrolMan Ronnie Reveriza na na-operahan na ito, subalit nasa ICU pa sa ngayon at Comatose.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang Delivery Rider na si Ryan Vargas ng Milaor, Camarines Sur na sinasabing naunang nabaril ng suspek na si Eric Sison ay Brain Dead na.

Sa kasalukuyan, hinihintay ng PNP ang resulta ng imbestigasyon mula sa Scene of the Crime Operatives o SOCO upang malaman ang iba pang detalye ng nangyaring insidente kahapon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Matatandaan na rumisponde ang mga otoridad matapos ang insidenteng biglang may sUmirit at nakita na natumba ang rider. Magtatanong sana ng CCTV footage  at mag-iimbestiga kay Sison  pero binaril ang pulis na naging daan naman upang rumisponde ang iba pang mga unit ng PNP na nagresulta sa shoot out at pagkasawi ng suspek.