HIGIT 400 NA POTENSYAL NA BENEPISARYO NG 4PS, SINURI NG DSWD

Nagsagawa ng balidasyon ang Department of Social Welfare and Development Region 2 sa 438 na potensyal na maging benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon sa ahensya, ang mga sinuring pamilya ay napabilang sa mga mahihirap na pamilya sa Listahanan 3 na dumaan sa una nang balidasyon noong July 3-8, 2023.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang mga ito ay mula sa anim na munisipalidad sa probinsya ng Batanes na dumaan na sa assessment ng ahensya sa pamamagitan ng assembly at hous-to-house validation.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Taong 2019 nang magsimula ang implementasyon ng 4Ps program kung saan layunin nitong mapaunlad ang buhay ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.