Nagpaabot ng kanilang simpatiya at pakikiramay ang Philippine National Police sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Carina.
Maalalang sa pinahuling tala ng PNP, 21 ang bilang ng mga nasawi dulot ng malakas na pag-ulang dala ng habagat at bagyo.
Sa naturang bilang, 7 dito ay galing sa NCR, 3 sa Central Luzon at 11 mula sa CALABARZON.
Tiniyak ng PNP ang kanilang commitment na makatulong sa recovery effort at sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng apektadong komunidad.
Sa ngayon , nakakalat ang mga pulis sa mga apektadong lugar at “round the clock” na nagsisikap para pagkalooban ng tulong ang mga nangangailangan.