PNP Naga naka intensified red alert status; force multiplier nakapwesto na rin sa inaasahang maraming tutungo sa mga himlayan

NAGA CITY- Naka intensified red alert status na ang Naga City Police Office , ito ay kaugnay ng pagsasara ng mga himlayan o mga sementeryo, kolumbaryo at mga memorial parks bukas hanggang sa Nobyembre 2, 2021.

Isang araw bago ang pagsasara o ngayong Oktubre 28, inaasahan na marami ang bibisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay nitong mga nagdaang araw kasi kakaunti pang publiko man o pampribado.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director for Operations na siya ring head ng Interagency Task Force Security Cluster , wala silang request na dagdag na pwersa mula sa PNP Regional Office subalit nakapwesto na ang mga volunteers na kasama sa Federation of Active Force Multiplier, binubuo ito ng 12 grupo kabilang ang communication group.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bukod sa mga libingan, nakabantay din ang pulisya sa border control points. Tiyak aniya may mga uuwi mula sa ibang lugar o di kaya tutungo sa Naga dahil sa lungsod nakalibing ang mahal sa buhay.