PNP, mayroon ng 8 POIs sa pagdukot at pagpatay sa 2 Chinese nationals sa Camarines Sur

Walong persons of interes ang tinututukan ngayon ng Philippine National Police sa pagdukot at pagpatay sa 2 Chinese nationals sa Sagnay, Camarines Sur.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may mga pangalan na sila ng ilang mga dayuhan at Pilipino na tinukoy nilang persons of interest.

Kabilang na rito ang sumundo sa 2 biktima sa airport noong June 20.

Inaayos na ng PNP Anti-Kidnapping Group ang ilang dokumento para makapagsampa ng reklamo.

Sabi ni Fajardo, ang ilan sa mga POIs ay nakilala ng mga biktima sa ibang bansa na inimbitahan silang bumisita sa Pilipinas para sa mga investment.

Nagpunta ang dalawa sa Pilipinas at nakausap pa ng kanilang mga kaanak nang dumating sa bansa

Nakatanggap pa raw ng mensahe ang pamilya ng isang biktima na humihingi ng P5 million Chinese Yuan, nakapagbigay daw ang pamilya ngunit matapos ang ilang araw ay wala ng kontak sa biktima.

Kalaunan ay nahanap ang mga labi ng 2 sa Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *