Isang S.L.I, artestado sa implemetasyon ng search warrant sa isang bahay sa Tabuk City Kalinga

ISANG S.L.I ,ARESTADO SA IMPLEMENTASYON NG SEARCH WARRANT SA ISANG BAHAY SA TABUK CITY KALINGA Nakumpiska sa implementasyon ng search warrant sa Purok 3 Barangay San Juan, Tabuk City, Kalinga kahapon ang pitong gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 47,600.00.

Nakuha ito sa tahanan ng isang trenta anyos na lalaki na nasa listahan bilang isang street level individual at residente ng naturang lugar.

Isinilbi ang search warrant na inilabas ng korte ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) Tabuk CPS, 1st KPMFC, PLO Kalinga, RID PROCAR, 1503rd RMFB, at PDEA Kalinga Provincial Office.

Nakumpiska sa paghahalughog ang apat na selyadong pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, limang plastic sachet na may shabu residue ,isang black belt bag, isang roll aluminium foil, isang unit ng cal. 38 (no markings); isang leather holster ng cal.38; pitong assorted lighters; isang pares ng improvised wood clip; isang maliit na gunting scissor; isang weighing scale; isang maliit na garbage bag na naglalaman ng gamit na foil ; dalawang unused foils; at isang bundle ng maliit na transparent plastic.

Kaugnay nito, pinuri ni PCOL GILBERT A FATI-IG, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office ang mga pulis na nasa likod ng matagumpay na operasyon. Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa nahuling suspek. /// analiza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *