PNP may isa pang anggulong tinitingnan sa nangyaring pagdukot sa caretaker ng isang resort sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine National Police na bukod sa extortion ay mayroon pa umano silang ibang anggulong tinitingnan hinggil sa nangyaring pagdukot sa caretaker ng Palms Farm Resort na si Enrico Guy sa Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Major Alexander Alvarez, hepe ng Mercedes Municipal Police Station,  lumalabas umano sa kanilang imbestigasyon na mahilig din pala sa sabong ang biktima.

Aniya posibleng mayroon itong nakaalitan o may pinagkakautangan na hindi nakapagbayad.

Hindi rin umano inaalis ng PNP ang posibilidad na konektado ito sa sunod- sunod na pagkawala ng mga sabungero sa iba’t- ibang lalawigan sa bansa.

 “Baka meron din siyang mga kaalitan o kaaway na mga private person, na dahil ito po raw ay mahilig daw sa sabong, so iniisip natin yung anggulo na baka nagkaroon ng utang,” ani Alvarez

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

“So yung anggulo na connected sa ibang probinsiya ay hindi ho namin inalaais din na posible pero bibigyan ho namin ng masusing imbestigasyon, para makita ho natin ang puno’t dulo kung ano po ba talaga ang dahilan dun sa pagkakawala ng taong ito.”

Una nang sinabi sa Brigada News FM Daet ng assistant caretaker ng resort na hindi nagsasabong ang biktima at wala rin itong kaalitan sa lugar.

Siniguro naman ni Alvarez na masusi itong iimbestigahan ng PNP upang malaman talaga ang motibo sa pagdukot sa biktima.

Pero sa ngayon ang mas matimbang daw talaga ay “extortion” ang motibo sa pagdukot dito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Noon pa raw kasing 2018 ay nakakatanggap na talaga ito ng text mula sa mga nagpapakilalang New People’s Army na nagdi- demand ng revolutionary tax bagay na tinanggihan umano ng may ari ng resort.

Posible rin umanong napagkamalan ang biktima na siyang may ari ng resort.

“Sa ngayon sir ah, sa tingin kong nakikita kong talagang mas may timbang diyan isyu, sa extortion talaga kasi ilang beses na silang inanuhan niyan, naka- receive daw sila ng text hindi talaga sila, naging firm sila na hindi magbigay.”

“Alam naman natin ang mga teroristang NPA eh pagka ganyan ano talaga nila yan parang normal na sa kanila na pagka hindi ka nagbigay gagawan ka ng masama, iniisip din ho namig mistaken identity dahil baka akala nung mga NPA eh siya yung may ari.”