PNP kinondena ang pamamaril-patay sa isang pulis sa Daraga, Albay

(UPDATE) BICOL—Mariing kinondena ng PNP ang nangyaring pamamaril-patay sa isang pulis kung saan nadamay din ang isang sibilyan sa Purok 3, Brgy. Peñafrancia, Daraga, Albay.

Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikidalamhati ang pamunuan ng Daraga Municipal Police Station sa naiwang pamilya ni PSSg Allan Marbella Madelar ng Purok 6, Villa San Jose Subdivision, Brgy. Bagumbayan, sa nasabing banwaan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Si Madelar ay nakadestino sa Guinobatan Municipal Police Station bilang Chief Investigator at dumalo lang sana sa okasyon ng pamangkin nito sa Barangay Peñafrancia, Daraga nang mangyari ang pamamaril.

Ayon ki PLt Armando Revale, Police Community Relations Officer ng Daraga MPS, sasakay na sana sa kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Agad na binawian ng buhay ang pulis habang nagtamo naman ng tama sa kamay ang nadamay na sibilyan na si Gabriel Llaguno.

Kaugnay nito ay nanawagan ang PNP sa sinumang may impormasyon na makakatubong sa pagresolba sa kaso na makipag-ugnayan sa himpilan ng Daraga police o tumawag sa hotline numbers 09185933837 o 09985985937.# || slm