PNP: makatutulong sa Abiad case ang inilabas na larawan ng mga salarin

Tiwala ang Philippine National Police na makatutulong sa paghuli sa mga suspek ang pagsasapubliko ng larawan ng 2 sa limang salarin sa pananambang sa photojournalist na si Joshua Abiad noong June 29.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, tukoy na rin ng Quezon City Police District ang tatlo pang suspek sa pamamaril ngunit nag-iingat aniya sila sa paglalabas ng mga impormasyon upang hindi ma-preempt ang ginagawa nilang follow up operation.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Hiningi rin ni Fajardo ang kooperasyon ng publiko sa pagbibigay ng mga impormasyon na maaaring magresulta sa paghuli sa mga suspek at tiniyak niyang mananatiling confidential ang kanilang pagkakakilanlan upang ma-protektahan ang kanilang kaligtasan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa ngayon wala pa aniyang matibay na motibo ang PNP sa nangyaring pamamaril hangga’t hindi pa nahuhuli ang limang salarin.