Nagtamo ng metacarpal fracture si PBA most valuable player Scottie Thompson sa kanyang kanang kamay habang nag-eensayo sa Kuanas, Lithuania kasama ang Gilas Pilipinas.
Inanunsyo ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (BSP) at sinabing agad na dinala ang basketball player sa ospital kung saan nalaman ang resulta ng x-ray.
Nangyari ang insidente isang buwan bago maganap ang 2023 FIBA World Cup.
Sinundan ni Thompson ang mga injured players ng team na sina Ray Parks, Calvin Oftana, at RR Pogoy.
