PNP, itinangging dinukot ang isang aktibista sa Batangas

Itinanggi ng Philippine National Police na dinukot ang isang aktibista sa Batangas.

Sa CCTV footage na lumabas online, makikitang dinukot umano ang AMIHAN activist na si Jean Estiller habang papasok ng kanyang tahanan kung saan 5 armadong lalake ang kumuha dito.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, walang naireport sa mga pulis ng insidenteng pagdukot.

Ayon pa kay Col. Fajardo, kinumpirma ng CIDG na si Estiller ay sumuko sa Philippine Army sa Sorsogon noong February 23.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa pag surrender nito, isinilbi ng CIDG ang warrant of arrest na inisyu ng Sorsogon RTC dahil sa kasong 3 counts ng illegal possession of firearms.

Sabi pa ng opisyal, na bukas ang PNP sa anumang imbestigasyon ukol dito.