PNP, ipapatupad ang face mask policy, sa kabila ng kautusan na inilabas ng Cebu govt

Inihayag ng Philippine National Police (PNP), na patuloy nilang ipapatupad ang face mask mandate ng national government, sa kabila ng pagluluwag ng mga panuntunan sa Cebu province.

Ang pahayag ng PNP, ay matapos na ibasura ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang resolousyon ni Cebu Governor Gwen Garcia na gawing optional ang pagsusuot ng mask sa outdoors.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa gitna nito, hinimok ng pulisya nag publiko na makipagtulungan sa government measures hinggil sa public health na itinakda ng National Inter-Agency Task Force.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Una nito, sa kabila ng babala ng DILG, sinabi ni Garcia na hindi niya babawiin ang kontrobersiyal na polisiya.

Nanawagan rin ito sa provincial police na huwag huliin ang mga hindi nagsusuot ng face masks, basta’t sila ay nasa open ay well-ventilated spaces. //MHEL PACIA