Duterte, walang nakikitang dahilan na sisiklab ang giyera sa China re: WPS issue

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring bitawan ng Pilipinas ang sovereign rights kaugnay sa West Philippine Sea, pero iginiit na ang giyera sa China ay imposibleng mangyari.

Sa commissioning ng Philippine Coast Guard’s BRP Melchora Aquino (MRV 9702 ), nabanggit ni Duterte ang nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia, at sinabing ang naturang sitwasyon ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang negosasyon sa China.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Natutuwa rin umano ang pangulo, na kaparehong hakbang ang ginagawa ng China sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Duterte na na labis na mahihirapan ang mga Pilipino sakalng magkaroon ng giyera sa pagitan ng naturang bansa, dahil sa territorial dispute. ng giyera if a war broke out between the Philippines and China over the West Philippine Sea dispute.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Matatandaan na kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2013, kung saan pumabot ang korte sa bansa noong July 2016, nang ibasura nila ang nine-dash claim ng China sa South China Sea.

Sa kabila nito, hindi kinilala ng China ang naturang ruling. //MHEL PACIA