SORSOGON CITY–Sa loob ng halos 12 oras ay natapos ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada sa Juban, Sorsogon na binagsakan ng makapal na abo mula sa Bulkang Bulusan.
Magkakatuwang sa paglilinis ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang BFP, PNP, AFP, DPWH at maging ang PDRRMO, PSWDO, MDRRMO at mga barangay workers.
Gamit ang mga water truck ay isinagawa ang flushing simula kaninang umaga kung saan prayoridad ang mga kalsada upang maiwasan ang patuloy na pagkalat pa ng abo lalo na tuwing may dumadaang sasakyan.
Ipagpapatuloy ng team ang paglilinis sa iba pang mga pampublikong lugar at gusali at maging sa mga kabahayan partikular sa Barangay Bacolod at Rangas sa bayan ng Juban.
Kabilang sa mga ito ang mga paaralan, health centers, chapel at mga bahay na malapit sa mga liwasan.###
