PNP, iniimbestigahan na ang pagkalat ng video ng police operation sa loob ng KOJC

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkalat ng video ng police operation sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hawak na ng PNP ang video ng isang umano’y vlogger at dati umanong miyembro ng KOJC.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa naturang video na ipinost sa YouTube, makikita umano ang mga hidden rooms, bunker at tunnels sa KOJC compound.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Pinakita rin umano rito ang “pintig” ng signal na na-detect ng PNP.

Nauna nang sinabi ng PNP na naniniwala silang nasa loob lamang ng KOJC compound nagtatago si Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito.