PNP-IAS: Cop pinatatanggal, demote sa 10 iba pa re: 2021 PNP-PDEA ‘misencounter’

Inirekomenda na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (IAS) ang pagtanggal mula sa serbisyo ng isang pulis at pagdemote sa 10 iba pa, dahil sa paglabag sa ‘misencounter’ sa pagitan ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA noong nakaraang taon.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Si Police Corporal Alvin Borja ay inirekomendang masibak, matapos itong makita na bumaril sa agent at informant.

Matatandaan na noong September 2021, naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng homicide complaint sa Department of Justice (DOJ) laban kay Borja dahil sa pagkamatay ni PDEA agent Rankin Gano.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Samantala, one-star demotion naman ang inirekomenda ng IAS para sa 10 police officers dahil sa direct assault at oppression.

Batay sa report, mula sa 41 na dawit na personnel, tanging 11 lang ang nirekomendang mabigayan ng sanctions.