DILG Usec- Cebu Prov, kailangan sumunod sa polisiya ng IATF

Binigyang diin ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na kailangang sumunod ang probinsya ng Cebu sa polisiya ng Inter-Agency Task Force, kung saan ang mga fully vaccinated foreign nationals lang ang papayagang makapasok sa bansa.

Una nang naglabas ng executive order ang pamahalaang panlalawigan, na nakasaad na pinapayagan ang pagpasok ng lahat ng foreign nationals, anuman ang kanilang vaccination status, simula sa March 1.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ang naturang kautusan ay taliwas sa IATF Resolution 160-A na naglilimita sa pagpasok para sa mga fully vaccinated foreigners.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa ilalim ng direktiba ng Cebu province, kailangan lang magpresenta ang mga foreign nationals ng negative RT-PCR, at sasailalim sa swab test sa oras na dumating sa lungsod, at papasok sa facility-based quarantine hanggang sa mailabas ang resulta ng test.