PNP-HPG – nakahuli ng 1,700 motoristang gumagamit ng sirena, blinkers

Umabot na ng 1,700 ang mga nasitang motorista ng PNP-HPG dahil sa paggamit ng sirena at mga blinker ngayong buwan ng Abril.

Kabilang sa mga nahuling ito ay mga sibiliyan, mga tauhan ng gobyerno, habang ang iba naman ay gumagamit ng plakang 7 at 8.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Kasabay nito ay nagpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga kapulisan sa mga motoristang lalabag sa paggamit ng mga hindi otorisadong device.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Mababatid na kamakailan ay pinagtibay ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabawal sa paggamit ng wangwang at iba pang flashing equipments.