PNP, handang magbigay ng seguridad sakali mang kailanganin sa pagbabalik sa bansa ng dating Cong. Teves

Nakahanda ang Pambansang Pulisya na magbigay ng karagdagang seguridad sakaling tuluyang pagbigyan ng pamahalaan ng Peoples Republic of Timor Leste ang sa posibilidad ng deportasyon kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo , patuloy silang nakikipag ugnayan sa DOJ at sa NBI na syang pangunahing ahensya na nakatalaga sa usapin ng seguridad ng dating mambabatas.

Nakahanda rin aniya ang PNP custodial facilities sa kampo crame sakaling kailanganin ng pansamantalang pagpipiitan kay Teves.

Ang dating kongresista sa patung-patong na kasong murder at frustrated murder kaugnay sa nangyaring pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *