PCG at PhilSa, pumasok sa kasunduan upang palakasin ang kakahayan ng Pilipinas sa maritime security

Pumasok sa isang kasunduan ang Philippine Coast Guard at Philippine Space Agency upang palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa maritime security.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan at PhilSA Director General Joel Joseph Marciano Jr. babalangkas ng isang franework para mapalawak at mapalalim ang paggamit ng Space Science and Technology Applications (SSTA) para magamit sa maritime domain awareness.

Layunin ng PCG at PhilSA na gamitin ang satellite imagery at space technology upang makabuo ng mga epektibong istratehiya para sa maritime security.

Binigyan-diin din ng dalawang ahensiya ang mahalagang papel ng space capabilities sa pagtugon sa mga kasalukuyan at hinaharap na hamon ng bansa.

Naaayon din ito sa modernization effort ng PCG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *