PNP chief Gen. Marbil: palakasin ang cyber security ng PNP

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa Directorate for Logisticsna mas palakasin ang cyber security sa lahat ng kanilang unitskasunod ng nangyaring “alleged breach” sa kanilang Logistics Data Information and Management System.

Read More:  UN Chief Guterres praises Philippines for Mindanao peace milestone

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, sinabi ni Marbil na dapat ay laging maging handa sa ano mang cyber security attacks.

Read More:  Marcos declares 2026 ASEAN Summit a success

Bagaman wala pang sinasabing nakompromisong data, sinabi ng opisyal na nanantiling naka-shutdown ang kanilang Logistics Data Information and Management System.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang PNP Anti-Cybercrime Group.