Nagkaroon muli ng phreatic burst ang Bulkang Taal.
Sa datos ng PHIVOLCS, nakapagtala ng phreatic eruption sa bahagi ng main crater ng taal volcano mag-aalas-9 ng umaga ngayong araw na tumagal ng humigit kumulang tatlong minuto.
Umabot umano ng tatlong daang metro ang taas ng ibinugang pagsingaw ng bulkan na may direksyong kanluran pa-hilagang kanluran.
Maliban dito, pasado alas-11 ay muli nai-record ang ‘short-lived phreatic event’ sa main crater ng bulkan na tumagal ng 3 minuto.
Matatandaang kahapon ay nakapagtala rin ng dalawang phreatic burst ang Bulkang Taal na umabot naman sa limang daang metro ang ibinugang usok, na tumagal ng dalawa at limang minuto.
Kasabay ng aktibidad ng bulkang, ipinagbabawal pa rin ng mga otoridad ang pagpasok malapit sa taal dahil itinuturing itong permanent danger zone.
Sa kasalukuyan, nananatili sa alert level 1 ang Bulkang Taal.