PNP chief: Cops, handang magsilbi bilang contact tracers

Nagpahayag ng kahandaan si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na tumulong bilang karagdagang contact tracers ang police force sa gitna ng laban ng bansa kontra sa COVID-19 Delta variant.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay Eleazar, makikipag-coordinate sila sa Department of the Interior and Local Government at sa Department of Health upang matukoy kung ilang karagdagang contact tracers ang kinakailangan.

Sa gitna nito, inatasan na ng PNP chief ang iba’t-ibang units na maghanda para sa “worst case scenario” na dulot ng bansa ng Delta variant.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Hinimok naman nito ang publiko na ituloy lang ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health protocols upang maiwasan ang COVID-19 infection. // MHEL PACIA-TRINIDAD